Mga Tauhan in order of appearance:
Carla Katipunan
Anthony Lei
Jeffrey Simbulan
Melissa Rodriguez
Andy Suansing (cameo appearance)
Galwin Fabian
Dominic Sy
Jazz Macario
Argel Sanduco
Samantha Torino
Mel Dominic Alzate
Wilfredo Darlucio
Jason Celestino
Audrey Echaluse
Rhen (di kop o alam surname nio sorry) hehe
Mark Lawrence Rodejo
Andy Suansing
With Special Participation of:
Video Patch – Gladwin Cedeño
Phone Patch – Jc Cunanan, Alex Villegas
Official Driver - Tito Poldo
Prologue
After work, pumunta sa SM North The Block para mamili ng kung ano anong kawekwekan para sa outing buti na lang sinamahan ako ni anthony at jeff.. dahil malamang di ko mabibitbit un lahat. kaya lang hindi namin makita si Jose Cuervo parang ayaw nyang sumama samin kaya si Absolut Citron na lang ang pinilit namin. Si Grandma sumama din. Gusto din daw nya simama so ayun sinama na rin naming para alang masabi akalain mo dumadami sila, pati si Carlos I sumama na din, Ayaw paiwan. Paguwi nagdinner at nagprepare ng egg sandwich na pambaon sa byahe at nakipagkamustahan kay Glad na nasa Japan.
PART I: Unang Araw
Chapter 1: Exodus
Nagempake ng bag, nagblog, bumili muna ng dulcolax at tapos nun lumayas na. Sa wakas makakatakas na ako ng panandalian sa mga obligasyon ko. Escape from reality ika nga. Nasa byahe pa lang gumawa nanaman ako ng kagilagilalas na stunt. Katabi ko sa upuan si Anthony at Jeff. Kamusta naman at hndi pala naayos ung upuan. Ayun! Semplang ang Beauty ko at ang kagwapuhan nila. First time ko nakita ang billboard ni DingDong Dantes haha. Pede ba naman na hindi iyon maihambing sa artistahin na si Mel Dominic Alzate? Sarap ng pwesto namin sa sasakyan dahil medyo onti lang kame nun. Kumanta ng kanta ng Backstreet Boys. Animo’y naibalik ang aming kabataan sa katandaan ng mga kantang yun. Ng magsawa, Natulog kame ng bonggang bongga hanggang narealize namin na nakarating napala kame sa bayan ng Anda.
Chapter 2: MulMol sa Karagatan
Sinundo kame ng tatay ni Sam sa bayan para makarating sa Tundol White Beach. May pakape pa at suman with matching mangoes naks.
sarap. Pinuntahan na ang aming tutuluyan at sumablay nanaman ako. Muntik na kameng matulog sa buhanginan. Pero dahil mahal kame ng Diyos hinyaan naman nya kameng makaranas ng marangyang bakasyon. Namili kame ng isdang kakainin sa on the shore market sosyal. Ang pagkain? Malaga at Mulmol. Isang buong araw ko naririnig ang salitang mulmol dahil ewan ko ba. Nakakatawa naman kasi ang pangalan nya. Tapos nun nagpahinga kame.
Menu: Appetizer: sky flakes, dingdong at kung ano anong chichiria Main Course: fried Malaga ala Alzate, Pesang Malaga ala Carla and Salted Shrimp served with rice all you can, Side Dish: Tomatoes in Anchovy Sauce, Dessert: Mangoes with earthworm fillings Drinks: Iced Tea and Softdrink of your choice.
Nagswim na ang girls kasama si doms pero panandalian lang. Hmm.. pasaway kasi kaya kumanta na lang sa magic sing. Pati ba naman magic sing tinatabla ako, hanggang 50+ lang ang score ko. Kamusta naman yun. Tapos nagswimming na ulet. This time kumpleto na kame. So dinama naming ang posing posing. Shempre ang Dingdong Dantes pose pede ba naman mawala? Nag Island Hopping (naghahop habang papunta sa isang isla). Naisip ko na para kame ung mga sinaunang tao na naglalakad sa mga tulay para magmigrate. Ang dami kasing break water.
Dapit Hapon na kaya naisipan na naming na umuwi. Nakakita kame ng drawing sa buhangin ng rectangle na nahati sa 6. hmm.. parang obstacle course ah? So ayun nagkampi-kampihan. Naglaro na parang kala mo mga batang 1st time magpatintero. At shempre ano pa nga ba ang papel ko? Magpataya at magpatakas ng mga hinharangan ko. Kaya nagsawa na ko at pinikturan ko na lang sila. Nakakita ulet ako ng sunset. Ang ganda pa rin pala nya. Habang nagiihaw si alzate ang iba naman ay pumapapak ng dingdong, naglilinis ng bahay at ang iba naman ay nagbabanlaw. Ung iba naghanap ng iba pang kailangan para sa bahay,
Sam: “ate magkano itlog” Ate: “10 isa” Sam: “Ang mahal naman ate” Ate: “gusto mo itlog ng asawa ko bugok nga lang..”
- di ako sigurado kung ano ung eksaktong dialogue pero it’s something like that
Tapos kumain na ulet
Menu: Appetizer: Diced Turnips/ Indian Mangoes dipped in Shrimp Paste. Main Course: Pesa Soup, Char-grilled Mulmol Alzate style and Carla’s Toyo Sauce Side Dish: Red Egg with Tomatoes, Dessert: walang Dessert.
Gabi na at ang dami pang dumadayo sa beach.Usapang MulMol.Doms: “uy daming beaches (disambiguation)” Somebody: “Hilig mo pa naman yan daming bata” Doms: “ayaw ko sa kanila ala pa silang Mulmol (disambiguation ulet. binigkas nya ang gusto nyang sabihin ng di sinasadya)”
Nagayos ng pinagkainan at pinagpreparahan ang pagdating ng iba pa naming kasama. Muntik na ulet di matuloy ang plano namin para bukas dahil sa umambang kahirapan pero mahal talaga kame ng Diyos. Dadating na si Manager. Ahahaha.. habang naghahantay, pinagsaluhan na nila si GrandMa… Grand Matador. Ako, nanuod. Hehe. Hanggang sa inantok. Sinundo ni Mao at Anthony ang apat pa naming kasama, si manager auds, tonio, rhen at si bunsoy (Jason). Nadinig ko ang maingay na boses ni rhen kaya nalaman kong dumating na sila pero dahil pagod na ako at hndi ko na kayang bumangon pa, natulog na lang ako at paggising ko na lang sila babatiin….
PART II – Ikalawang Araw
Chapter III – Ang Pagiinarte
Hindi naman sa pinagmamalaki kong naginarte ako, pero ayaw ko naman tanggalin to sa aking kwento dahil kasama naman talaga sha.
Nagpagising ako kay Melissa ng maaga para makapagprepara na kame ng mga dadalhin sa Hundred Islands. Ang totoo nyan maganda naman talaga ang gising ko. Lahat ng makita ko ay binati ko ng good morning. Ang kaso lang mabilis talaga ako mataranta. Kahit hindi halata sa itsura ko natataranta ako pag madaming ginagawa. Eh yun. Ginulat kasi ako kaya ayun. Anyway, nagluto kame ng almusal tska spaghetti habang ang iba naman ay nagpprepare ng mga kung anek anek. Spaghetti with super duper daming giniling, mushroom at hotdog tidbits poured on toasted pasta. Hehe
nagayos ayos at umalis na
Breakfast Menu: Big English Breakfast: Coffee, Hotdog bits, Garlic Rice and Bread
Chapter IV – Detour
Nagpunta kame sa Baryo Macaleeng upang doon sana sumakay ng banka papuntang 100 Islands anak naman ng tinapang bangkero un. Akala mo taxi pumapatak ang metro. Nabanas nanaman ako. Nagdecide na sa Alaminos na lang magpunta at dun sumakay ng banka. Sa kainitan ng panahon, sa nadelay naming byahe, sa gastos sa gasolina hindi ko na napigilan pang maluha, dahil sobrang nalulungkot ako sa aking kapalpakan, wala naman akong magawa at nahihiya na din ako sa mga kasama ko. Sabi ko sa sarili ko “wag kang magpahalata magrelax ka lang” nagpatugtog ako ng Enya at Mozart para marelax ako. Nabawasan naman kaso lang ewan ko ba. Bad trip pa rin talaga ako. Buti na lang mahal pa rin ulit kame ng Diyos wala na mashado nagging aberya nung nandun na kame. Except sa yelo na pinapabili ko at sa snorkel gadgets na ako pa gusto maningil buti na lang tinulungan ako ni tons.
Lumayo ako sa karamihan dahil di ko na talaga napigilan ung sarili ko. Umaga pa lang nagtataray na ako tapos ang palpak palpak pa. I don’t want to put the blame on anybody kaya kung sino man ang naapektuhan sa kawekwekan ko sorry talaga.
Chapter V – Bumalik na sa tamang ulirat
Sumakay na kame ng banka papuntang kung saan saan. Lahat kame ay nagsilagay ng vest at pumwesto sa upuan na may bubong. Ng makita ko si Alzate na pumwesto sa initan kahit marami pa naman ibang pwesto, natawa ako. Hehe kamusta naman. Maya maya pa nagpandong na sha ng twalya. Natawa na talaga ako sa kanya haha.
Chapter VI – Jump for Life
Una kameng pumunta sa Marcos Island para dun na mananghalian at magswimming. Ako, inlove talaga ako sa islang yun kaya pagpark ng banka di ko na napigilan ang sarili at tumalon na ko sa dagat. Ang ganda nya kasama mong lumalangoy ang mga isda. At ayun back to normal na ko ulet.
Lunch time: Menu: Spaghetti ala Pobre served army style. With Softdrinks of your choice
Pagkatapos kumain naisipan naming puntahan ang cave na kung saan ang paraan para ikaw ay makababa ay tumalon mula sa itaas. Nagawa ko naman na ito dati sa lugar na ito ngunit talagang napanghinaan ako ng loob. Pero shempre a girl with such bravado won’t say no to a challenge. Naks! So ayun. Ilan lang kame tumalon nung una. Unang tumalon si mao. Waw flawless landing! Sumunod si argel tapos di ko na maalala ung iba dahil ang naalala ko na lang eh nangangatog na ung tuhod ko sa kaba. Pero sige tumalon pa rin ako. Hindi ko maipaliwanag ung feeling ng bumabagsak ng 9.8m/s^2 pero ang sarap. Habang nadadama ko na ang paa ko ay dumadampi na sa tubig, unti unti ako nakaramdam ng ibang sensation, nakainom ako ng tubig, ANG ALAT pero nangibabaw ang saya ko at tumili ako ng bonggang bongga. Nawala ang aking poise and bearing.. shucks.
Dahil hndi naidocument ang nasabing kaganapan nagkasundo kameng ulitin yun at this time kailangan lahat sumama na. Unang napilit si Jason, si Sam si Anthony tapos si Jeff at Melissa nakipag buy 1 take 1 pa samin. Eh si Jeff bumigay.. ayun. Ayos lahat ay tumalon
Ang sarap pala ng feeling pag alam mong andun ang mga kaibigan mo. Kahit natatakot gawin ang mga kagilagilalas na bagay gagawin pa rin nila yun para sayo. At narealize ko din sa activiting yun na ang pagtitiwala sa isa’t isa ang magbibigay tibay ng pagkakaibigan. Audacious moments like this became one of the best because I did it with you guys..haha EMO yak…
Chapter VII – Tulya, Talaba at Tahong
Tulya – ang rason ng pagrenta namin ng snorkel gadgets. Upang makita ang mga giant clams na nakatira sa gitna ng laot. Nung una nandidiri ako. Buti na lang may iba pang fish dun kaya naenjoy pa rin.. lahat kame sama samang sumoong sa laot alang pangpang. Just the ocean and us
Talaba – habang nasa laot kame damang dama ko na ako si dyesebel. Naglalangoy kame ni mao ng salbabida para sa mga di kagalingang lumangoy ng nagulat ako na bumibigat natubuan ng talaba ang salbabida. Este si lola pala. Lumusong sa dagat ng walang vest buti may ibang tao kung nagkataon naging lunch sha ng mga giant clam dun. Natapos ang ilusyon ko. Nakita ko naman si Muro-Ami este si Alzate pala na ang ganda ng pagahon galing sa pagsisid. Ng biglang may talaba este mama pala
“Kuya, Kuya pakapit” pero nakasampa na sha kay Alzate. Sam sa malakas na tinig habang tinutur “Sino yan” Ako sa malakas na tinig “Ewan ko bigla na lang kumapit”
bakit naman kasi ang tatanda na hndi alam ang ibig sabihn ng SAFETY FIRST malamang laot ung nilalangoy mo mangagawit ka. Ng makita ang salbabida akala mo sa kanya yun at sinampa ang buong katawan. Kung di lang sana naming nirenta un iniwan na lang sana namin at hayaan na lang silang magpalutang lutang dun. Ni hindi man lang nagpasalamat nung nakabalik na sila ng ayos at buhay.. talaga nga naman.
Tahong – hindi ko alam bakit ang tagal tagal naming lumangoy pero biglang animo’y shokoy ang mga kaibigan ko na lumangoy,. ay sus.. kaya naman pala may babaeng naka2peice.. tsk tsk. Ang gagaling na nilang lahat magsnorkel. Haha.
Chapter VIII – Sa Tugatog ng Governor’s Island
Huling isla na aming pinuntahan. Inakyat naming ang nakitang hagdan. Nakakapagod. Ngunit napawi ang lahat ng ito ng makita namin ang kabuuan ng hundred islands ang GANDA GANDA at shempre moment nanaman ito sa bisyo namin. Ang magpapicture. Pagbaba picture ulet at sinilip ang Bahay ni Kuya. Hehe Kupas na ang sign. Tapos nun naisipan na namin na umuwi na. Para makabalik na agad.
Chapter IX – Tara na sa Tara
Nagpunta kame sa Bayan ng Alaminos para bumili ng iba pang kailangan habang naghihintay kay Andy. Namalengke sila Melissa at Anthony at kame ni Mao at Auds hinanap naming muli si Jose Cuervo pero ayaw nya talaga magpakita kaya si Mojitos nagpresenta. Nagpakilala din si Mudshake. So sinama na rin naming. Dahil pagod na bumili na kame ng lutong ulam para diretso lamon na lang. Tapos nun nagantay kame at bumyahe na sa Tara kung saan bababa si andy.
Medyo matagal kaya nakabuo ng mga alamat
Alamat ng Anda: ngongo1:“san ba makakakita ng mulmol? ” ngongo2: “Anda dun!”
Haha ang lakas ng trip ano.. pero at least dumating na sa wakes si tatay andy at bumalik na kame sa bahay
Chapter X – Stargazing
Habang lahat ay busing busy sa pagbabanlaw, ako naman ay nagtrip na tumingin sa kalangitan napakalinaw kasi at ang ganda nitong pagmasdan. Maya maya pa sinamahan ako ni Jeff at pinagusapan ang constellations at transformers. Shempre mukha lang kameng aning na nakahiga sa damuhan. Pede ba namang di un mapansin ni Alzate? Sumama na rin sha ng matapos ang iniihaw nyang porkchop at kung saan saan na napadpad ang usapan pati alien invasion napagusapan na. Masarap palang maging aning. Diba kapatid na Alzate?
Chapter XI - Last Supper
Last Dinner na ng aming munting outing ito. ala ulet nagpapansinan dahil gutom na lahat. pagadating sa pagkain alang kaibikaibigan basta mabusog ang tyan.. hehe joke lang. hehe un lang ata ung moment na behave kame na magkakaksama.. twing kakain
Menu: Lecho Manok, Pre-Marinated Porkchop, Hilaw na kanin, Indian Mangoes
medyo nagpahinga at nagayos ayos para saming susunod na activity. ang highlight when Carlos I, Mojitos, SMB, Citron, Mudshake meets orgAZM.. WASAK!!!!
PART III - CONCLUSION
Chapter XI – Bonfire Marshmallows
Alas dose na at tamad na tamad pa kameng magsiayos dahil pagod na pagod kame.. pero dahil madadami dami pa ang alcohol na uubusin naisip na naming magsiga ng apoy sa tabing dapat. Hmmm.. Unang beses kong magbonfire na kasama ang outing. Kasi pang CAT lang ang alam kong campfire. Ang sarap pala ng feeling habang nagiihaw ng marshmallow. Unang beses din un ang sarap hehe.. prang nagkaron sha ng gummy texture tapos mas matamis na sha. Wala na ung nakakaumay na lasa. Hehe..
Pulutan : Porkchop na inihaw, Hotdog, manggang hilaw, marshmallows, chichiria.. wala ng dingdong.
Drink: Absolut Citron, Carlos 1 Pedro Domeq, Mojitos Tequilla (walang Jose Cuervo ano bang meron dun?), Vodka Mudshake, Grand Matador, 1 case ng San Mig Light. Coke, Bawas na Mountain Dew
Curious lang ako, ano ba ang lasa ng inihaw na mangga ha doms? Eeew??
Ayun inom inom hanggang mawasak sila.. hehe ako hindi pinapanuod ko lang sila. hehe
Kamusta naman ang laugh trip nila. Kahit ano tinatawanan.
Naubusan na kme ng panggatong kaya lumipat na kame ulet sa aming humble abode at kumanta lang ng kumanta. Pinatulog na ako kaya di ko na alam kung ano pa mga ngyari. Pero sana naman naging masaya pa rin ang lahat.
Chapter XII- Uwian
Wow, paggising ko may pagkain na agad ang sipag naman ng mga boys, may fried chicken, scrambled egg at hotdog served with garlic rice. Sarap. May kape pa.. hmmm.. pero si andy 7bote ng SMB Light ang inalmusal kamusta namang almusal yun. So ayun pagkakain ligpitan na.. balik na sa mundong panandalian naming tinakasan. Baon namin ang maliligayang sandali na sadyang maalala naming sa muli naming pagtapak sa probinsya ng Pangasinan.
Prologue - Adventures with the Tupig Monsters
Medyo siksikan na kme dahil dumami kame.. hehe saya.. dumaan muna kame kila Sam para magpaalam, magpasalamat at magsoli ng mga gamit na hiniram namin. Sa wakes may signal na!
Doms: “Tetetetetext Text text texting!!”
Huminto kame saglit sa Mangatarem para bumili ng masarap na tupig. Bakit ito masarap? Dahil pinaghirapan ng mga nagtitinda ang pagsusungalngal ng matamis na bukong ito. Kulang nalang basagin ang bintana naming maipasok lang ang mga paninda. Kanya kanya silang pakikipagtawaran. Ngyari ay nalugi ako dahil nakuha ko ng 7 for 100 ung tupig habang sila 8 for 100. ayaw man lang magbigay ng kunswelo de bobo ni ate. Tapos huminto sa Jollibee para mananghalian. Andy salamat sa dagdag hehe.
Tapos kalagitnaan ng tanghali eh hindi na kinaya ng aircon ang init gumawa kame ng kurtinang gawa sa twalya. Ayaw naming maging MIB (Ma- Itim Batok). Nagshowdown ng sayaw si doms at si alzate. Hehe tapos napagod din at nagsitulog. Malapit na sa bahay.. nakakalungkot bitin pa ko sa bakasyon. Sa Malinta exit bumaba si Anthony Jeff Mao at Doms tapos sa North naman ung natira except si Jazz na sinamahan akong makauwi. Dun din kasi ang daan nya. Hehe.
At dito na natapos ang masayang weekend..
Discussion
No comments for “Orgazm Summer Escapade”
Post a comment